Rehabilitasyon ng Marawi, pinabubusisi ni Speaker GMA

(Eagle News) — Pinakikilos na ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang Kamara para gamitin ang kanilang oversight function para busisiin ang Marawi rehabilitation.

Ayon kay Arroyo, patapos na rin naman sila sa mga priority measure ng Pangulo kaya may panahon na ang Kamara para sa kanilang oversight functions.

Partikular na pinakikilos ni Arroyo ang House Committee on Disaster Management sa rehabilitasyon sa Marawi.

Marami umano syang naririnig mula sa international at domestic stakeholders na walang nangyayari hanggang ngayon sa Marawi.

Pinuna rin ng Speaker ang mabagal na update sa status ng Marawi rehabilitation kung saan marami pa ring mga kababayan ang hindi pa nakakabalik sa kanilang tahanan dahil sa mabagal na implementasyon ng mga programa.

Related Post

This website uses cookies.