Rehabilitasyon ng Manila Bay aarangkada na sa Enero 27

(Eagle News) — Sisimulan na ng Department of Environment at Natural Resources (DENR) sa Linggo, Enero 27 ang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Limang libong tao ang inaasahang makikiisa sa iba’t ibang aktibidad na gagawin sa pangunguna ng DENR.
Kabilang dito ang mangrove planting sa Navotas City at clean–up drive sa Bacoor, Cavite, Obando, Bulacan at Gua- Gua, Pampanga.

Bukod sa DENR, inaasahang dadalo din sa mga aktibidad ang mga opisyal ng Department of Tourism, Department of Interior and Local Government at iba pang ahensya ng gobyerno.

Ang Manila Bay rehabilitation ay bilang hakbang ng DENR at ilang ahensya ng pamahalaan matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling ibalik ang datin ganda at malinis na tubig ng Manila Bay.

Related Post

This website uses cookies.