MANILA, Philippines (Eagle News) — Nais ng ilang mambabatas na huwag nang ilatag ang red carpet sa kamara sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 25, 2016.
Ayon kay ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, ang red carpet ay pang Hollywood lamang o iba pang award ceremony at hindi na ito kailangan sa SONA ng pangulo na kilala sa pagiging simple.
Hindi na rin umano dapat na rumampa sa north at south wing ng gusali ng kamara ang mga kongresista kundi dapat dumiretso na sa plenaryo.
Sinabihan na umano sila ni Incoming House Speaker Pantaleon Alvarez na dumating ng naka-business attire lamang na tulad ng kanilang kasuotan tuwing ordinaryong araw ng sesyon.