Random drug-testing sa Cauayan, Isabela, pinangunahan ng alkalde ng lungsod

CAUAYAN, Isabela (Eagle News). Pinangunahan ni Mayor Bernard Faustino Dy ang random drug testing na isinagawa sa lungsod ng Cauayan lalawigan ng Isabela. Kasama sa sumailalim sa drug testing na ito ay ang mga konsehal ng lungsod at maging ang kapulisan ng nasabing lalawigan.
Isinagawa ito upang patunayan na ang mga namumuno sa naturang lungsod ay hindi lumalabag sa batas lalo na ang ukol sa mga ipinagbabawal na gamot. Nagbilin din ang mga kinauukulan sa publiko na ipagbigay alam agad sa mga awtoridad kung may mga nalalaman na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o kaya ay nagbebenta ng mga ito upang agad na maaksyonan lalo pa nga at ito ang kampanya ng bagong Pangulo ng bansa.

This website uses cookies.