Programa para sa mga drug surrenderee patuloy na inilulunsad sa Polanco, Zamboanga del Norte

POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle news) – Patuloy na inilulunsad ng Polanco Municipal Police Station ang Moral Recovery, Pulisteniks at Clean up Drive para sa mga kababayan nating mga drug surrenderee. Pinangunahan ito ni PSI Manuel E. Acabal- Deputy Chief of Police, sa Guinles, Polanco, Zamboanga del Norte.
Nasa 69 na ang bilang ng mga dumalong surrenderee mula sa mga Barangay ng Guinles, Lingasad, Magangon, Isis, Villahermosa, Santo Nino, San Antonio, at San Miguel. Ang programang ito ay bilang pangangalaga sa mga indibidwal na piniling magbagong-buhay. Hinihikayat ng awtoridad ang mga surrenderee na ituon na ang pansin sa pakikipagkaisa sa mga aktibidad ng bawat barangay lalo na ang mga kabataan.
Ito na rin ang pang apat na cluster kung saan matagumpay nilang naisagawa ang naturang programa.
Lady Mae Reluya – EBC Correspondent, Zamboanga del Norte
Related Post

This website uses cookies.