Production van ng isang TV network, tumaob sa highway ng Morong, Bataan

MORONG, Bataan (Eagle News) — Tumaob ang isang production van ng isang TV network na may plakang PQQ-775 sa highway ng Barangay Mabayo sa bayan ng Morong, Bataan.

Sakay ng tumaob na van ang anim katao kabilang na ang driver nito.

Ang nasabing production van ng isang TV network ay mula sa taping sa bayan ng Morong, Bataan at patungo sana ng Olongapo City bago nangyari ang insidente.

Ayon sa driver ng van na ayaw magpabanggit ng pangalan, binabaybay nila ang kahabaan ng highway sa Barangay Mabayo sa nasabing bayan ng mawalan ito ng kontrol sa preno kaya sumadsad at bumangga sa railings ng kalsada na nagresulta sa pagtaob ng kanilang sasakyan.

Walang namang naiulat na nasaktan sa mga nakasakay sa van at walang rin ibang nakasalubong na sasakyan na maaaring madamay sa nasabing insidente.Roal Evangelista, Juliet Dansel, Larry Biscocho

Related Post

This website uses cookies.