MANILA, Philippines (Eagle News) — Ipinabubusisi ng Department of Budget and Management (DBM) sa Commission on Audit (COA) ang pondong nalikom mula sa Express Lane Fee na sinisingil sa mga immigration counter.
Nais ni Budget Secretary Benjamin Diokno na malaman kung magkano ang nasabing pondo sa mga nakalipas na taon at kung paano ito nagastos.
Ayon sa Kalihim, kung lumabas na iligal ang pinaggamitan ng pondo ay posibleng mag-isyu ng notice of disallowance ang COA.
Hinala pa ni Diokno, na maaring nakinabang ang COA sa pondo ng Express Lane Fee o naging bulag ang komisyon ukol dito.
Nagtataka pa ang budget secretary kung bakit nakalagpas sa Bureau of Immigration (BIR) ang malaking kinikita ng mga kawani ng immigration.