Poe, muling nanguna sa survey

Presidential candidate and Senator Grace Poe-Llamanzares

(Eagle News) — Muling nanguna si Senator Grace Poe-Llamanzares sa pinakahuling “Bilang Pilipino SWS (Social Weather Stations) Mobile Survey” na isinagawa ilang araw matapos ang ikalawang leg ng “Pilipinas Debates 2016”.

Ayon sa SWS, nakakuha ng 35% si Poe na sinundan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha naman ng 26%.

Habang parehong nakakuha ng 18% sina dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Manuel Roxas II at Vice President Jejomar Binay, nakakuha naman ng dalawang porsyento si Senator Miriam Defensor-Santiago na hindi dumalo sa debate dahil sa isyu ng kaniyang kalusugan.

Isinagawa ang naturang survey noong Marso 22 sa 1, 200 na mga botante kung saan aabot sa 806 o 67% ang tumugon habang matatandaang isinagawa naman ang second leg ng presidential debate noong Marso 20 sa University of the Philippines Cebu.

Related Post

This website uses cookies.