(Eagle News) — Magkakaloob ng libreng sakay ang Philippine National Railways at Manila Metro Rail Transit System sa mga manggagawa bukas, Mayo 1, bilang paggunita sa Labor Day.
Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) at ng PNR, libre ang sakay ng mga manggagawa na patungong Alabang sa pagitan ng alas 6:07 ng umaga at alas 7:37 ng umaga at sa pagitan ng 4:07 PM hanggang 5:37 PM.
Libre din ang sakay ng mga papuntang Tutuban sa pagitan ng 5:36 AM hanggang 7:30 AM at sa pagitan ng alas 4:00 PM hanggang 5:30 PM.
Libre din ang sakay, sa MRT mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM at 5:00 PM hanggang 7:00 PM.
Kailangan lamang ipakita ang company ID para maka-avail ng libreng sakay.