PNP Chief Albayalde, personal na ininspeksyon ang blast site sa Koronadal City

Ni Catherine Hechanova
Eagle News Correspondent

KORONADAL CITY, South Cotabato (Eagle News) – Sinuyod ni PNP Director General Oscar David Albayalde ang blast site maging ang ikalawang location kung saan iniwan at nadetonate ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) team ang pangalawang bomba. Isa-isang kinausap ng heneral ang mga biktima maging ang may-ari ng 747 convenience store na si Victoriano Cy.

Ayon sa Heneral may mga person of interest na silang nakita ngunit hindi pa matukoy kung ano ang motibo ng mga suspect. Dagdag pa niya, nasa apat katao ang involve kasama na isang babae na nag-iwan ng bomba.

Matapos ang pag-iikot at imbestigasyon sa area kung saan nangyari ang pagsabog ay agad na nagsagawa ng press conference ang kawani ng gobyerno. Kasama sa nasabing press conference ang gobernadora ng lalawigan na si Daisy Advance Fuentes, Mayor Peter V. Miguel, at ang PNP Regional Director, Police Chief Supt. Marcelo Morales at iba pang tagapanguna sa lungsod kasama ang mga kapulisan at media.

Sinabi ni Albayalde na kailangang pa-igtingin ang ang pagbabantay sa siguridad ng lungsod, pagpapatupad ng Oplan Sita at ipagpatuloy ang checkpoint operations. Iminungkahi rin ni Albayalde ang pagkakaroon ng CCTV camera ng bawat establisyemento.

Ayon nman kay Mayor Peter Miguel, magbibigay ng Php 100,000 pabuya sa sinomang makakapagturo sa mga suspek sa nangyaring pambobomba.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang pagbabantay ng mga kapulisan sa lungsod upang hindi na maulit pa ang insidente. Samantala balik na sa normal ang pamumuhay ng mga residente sa lungsod.

(Eagle News Service)

This website uses cookies.