PhilHealth, inatasang ibalik ang unauthorized allowance , benefits, at illegal bonus

(Eagle News) — Inatasan ng Commission on Audit (COA) ang PhilHealth na ilipat sa national budget ang halos P148, 000, 000 na unauthorized allowance at benefits ng mga opisyal nito noong 2012.

Sa isang hiwalay na desisyon, inatasan din ng COA ang PhilHealth na isauli ang halos 64 million pesos na illegal bonus na tinanggap ng personnel noong 2011.

Nilagdaan nina COA Chairman Michael Aguinaldo at Commissioner Jose Fabia ang desisyon na nagbabasura sa petition for review ng PhilHealth officials na nais ipakansela ang notices of disallowance.

 

Related Post

This website uses cookies.