Warning: compact(): Undefined variable $matches in /home/enewsph/public_html/wp-content/plugins/advanced-responsive-video-embedder/php/fn-oembed.php on line 132

Warning: compact(): Undefined variable $a in /home/enewsph/public_html/wp-content/plugins/advanced-responsive-video-embedder/php/fn-oembed.php on line 132

“Pet-a-thon” at iwas-paputok campaign, isinagawa ng Animal Welfare at Envi-Health Groups

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Nagsama ang Animal Welfare at Environmental Health Groups para ipanawagan o himukin ang publiko na huwag nang gumamit ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Inorganisa ng mga ito ang tinatawag na “Pet-a-thon” na isinagawa sa Quezon Memorial Circle, Quezon City kung saan kasamang naglakad ng mga pet owner ang kanilang mga alaga dala ang mga mensahe na huwag nang gumamit ng paputok.

Ayon sa Philippine Animal Welfare Society, ang paggamit ng paputok ay delikado hindi lamang sa mga tao at kalikasan kundi maging sa mga hayop.

Marami anila silang natatanggap na kaso ng mga alagang hayop gaya halimbawa ng aso na namamatay o kaya ay nawawala tuwing bagong taon dahil sa paggamit ng mga paputok.

Kaugnay nito, hinikayat ng grupo ang mga pet owner na gawing “no firecracker zone” ang mga bahay.

Pakiusapan din ng maayos ang mga kapitbahay na huwag magtapon ng paputok.

This website uses cookies.