Personal passenger insurance para sa mga pasahero ng tricycle, isinusulong

(Eagle News) — Isinusulong ng grupong pinangungunahan ni Atty. Ariel Inton ang personal passenger insurance para sa mga pasahero at driver ng tricycle.

Paliwanag ni Inton, marami nang naitatalang aksidenteng kinasasangkutan ng tricycle pero wala naman itong insurance.

Kahit mayroon aniya silang third-party liability, hindi naman kasama dito ang coverage para sa kaligtasan ng mga pasahero.

“Sa isang pasahero po na sumasakay sa tricycle, pero never pong naisip na oo nga pala,wala nga pala tayong insurance dito at kapag naaksidente bilang pasahero eh wala, kamot ka lang sa ulo,” ayon kay Inton.

Related Post

This website uses cookies.