Peace-talks sa mga rebelde, isusulong ng Duterte government

Isusulong ni incoming president Rodrigo Duterte ang  dayalogo sa mga rebeldeng grupo, kabilang ang Communist Party of the Philippines o CPP at Moro National Liberation Front o MNLF.

Sinabi ni Duterte na nakipag usap siya kay Fidel Agcaoili, tagapagsalita ng National Democratic Front o NDF  kagabi sa Davao City.

Nagkasundo aniya sila sa framework kung paano itutuloy ang usapang pangkapayapaan.

Una nang nagpahayag ng kahandaan si duterte  na maka-trabaho ang mga komunista sa pamamagitan ng pagtatalaga sa mga miyembro nito sa gobyerno kabilang ang Department of Social Welfare and Development at Department of Enviroment and Natural Resources.

Related Post

This website uses cookies.