PCG, handa sa gagawing protesta sa Boracay

(Eagle News) — Nakahanda umano ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sakaling may mga magpo-protesta o manggugulo sa pansamantalang pagsasara ng Boracay.

Ayon kay Commander Ramil Palabrica ng PCG Boracay, nakahandang umayuda ang kanilang mga tauhan sa pwersa ng Philippine National Police sa pangangalaga ng seguridad sa isla.

Nais rin na matiyak na masusunod ang mga regulasyong ipapatupad habang nakasara ang isla sa mga turista.

Dalawang barko at anim na karagdagang floating assets ang magpapatrolya sa paligid ng isla.

Habang may mga nakatalaga nang sea marshals’ para masigurong walang anumang floating asset ang nasa 3 kilometer radius sa shoreline ng Boracay.

 

Related Post

This website uses cookies.