Pangulong Duterte nagbigay ng dagdag na P2 milyon kay Hidilyn Diaz

DAVAO City, Philipines (Eagle News) – Nagbigay ng karagdagang P2 milyon si Pangulong Rodrigo Duterte kay Olympic Silver Medalist Hidilyn Diaz sa kanyang pagkapanalo sa 2016 Rio Olympics. Ito ay naganap sa loob ng Malacanang of the South, DPWH Depot, Panacan, Davao City nitong Huwebes ng gabi, August 11, 2016.

Dumating si Diaz Huwebes ng gabi at agad nakipagkita kay Pangulong Duterte dito sa Davao. Inaasahan naman ni Diaz na makakauwi na sa kanyang bayan ngayong darating na linggo sa Zamboanga City.

CourtesyL Haydee Jipolan –  Davao City Correspondent

(Photo courtesy – Head Coach Zamboanga City Councilor Elbert Atilano)

Related Post

This website uses cookies.