Pangulong Duterte, ‘di nagtungo sa cancer hospital sa Guangzhou, China – Bong Go

(Eagle News) — Itinanggi ni Special Assistant to the President Secretary Christopher “Bong” Go ang lumabas sa isang newspaper column na nagtungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa China para sa cancer treatment.

Sa column ni Dating Senador Kit Tatad sa Manila Times, sinabi nitong maaaring nagtungo sa Fuda Cancer Hospital sa Guangzhou, China ang Pangulo nitong bagong taon.

Ayon kay Go, wala itong katotohanan at hindi lumabas ng bansa ang Pangulo.

Related Post

This website uses cookies.