Pangamba ng publiko sa pagdedeklara ng martial law, pinawi ng DOJ

(Eagle News) — Posible umanong resulta ng inis ng Pangulo sa talamak na droga ang naging pahayag hinggil sa pagdedeklara ng martial law.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, posibleng napuno na ang Pangulo sa mga nangyayari ngayon partikular na ang pagkakasabat sa bilyon- bilyong pisong halaga ng iligal na droga ng National Bureau of Investigation (NBI) sa San Juan City nito lamang Disyembre nang nakaraang taon.

Umapela naman ang kalihim sa publiko na wag ipangamba ang nasabing pahayag ng Pangulo.

Gayunman, tiwala naman umano ang kalihim na hindi mauuwi sa pagdedeklara ng martial law ang laganap na problema sa droga sa bansa.

Related Post

This website uses cookies.