Pampasaherong bus, nahulog sa bangin sa Mindoro; 19 patay, 21 sugatan

(Eagle News) –Labing-siyam ang patay at 21 ang sugatan matapos bumangga ang isang pampasaherong bus  sa tulay at mahulog sa bangin sa Barangay Batong Buhay, Sablayan, Occidental Mindoro , Martes ng gabi.

Ayon sa ulat, galing San Jose, Occidental Mindoro ang pampasaherong bus na Dimple Bus na may plakang TYU 708 nang bigla na lamang nawalan ng kontrol ang drayber sa manibela.

Patungo sana ang bus sa Maynila.

Bumangga  sa railing ng tulay ng Barangay Sablayan ang bus bago ito nahulog sa bangin.

Kabilang sa mga namatay  ang drayber ng bus na si Arno Panganiban.

Labing-tatlo sa patay ay di pa nakikilala.

Agad naman rumesponde ang mga tauhan ng Sablayan Municipal Police Station, 4th Infantry Battalion ng Philippine Army, Bureau of Fire Protection, Sablayan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office matapos ang insidente.

 

 

Related Post

This website uses cookies.