Pagpapalakas ng X-ray capability ng Bureau of Customs, isinulong sa Kamara

(Eagle News) — Para hindi na umano malusutan ng bulto-bultong smuggled goods at shabu, iminungkahi ni Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves Jr., kay Pangulong Rodrigo Duterte na pondohan ang pagpapalakas ng X-ray capability ng Bureau of Customs.

Ayon kay Teves, lumiham na siya kay Pangulong Duterte para mailatag ang kanyang mungkahi.

Paliwanag ng kongresista, ang 25 billion pesos ay gagamitin sa pagbili ng dalawang daang makabagong X-ray machine na ang bawat isa ay nagkakahalaga umano ng 2.5 million US dollars o 125 million pesos.

Ikakalat ang X-ray machines na ito sa lahat ng ports para walang makalusot na smuggled drugs o iba pang puslit na produkto.

Kailangang i-connect ang X-ray machines sa internet para pwedeng naka live stream ang lahat ng proseso nito na ma-a-access ng publiko anumang oras.

Kung maisasakatuparan umano ang investment na ito, maaaring maragdagan ng 140 billion pesos ang taunang kita sa buwis ng BOC, mula sa target collection nito na 460 billion pesos.

Related Post

This website uses cookies.