(Eagle News) – Inirekomenda na ni Bureau of Fire Protection (BFP) Director, Senior Supt. Wilberto Rico Kwan Tiu. ang pagpapa-demolish sa NCCC mall sa Davao City.
Ayon kay Tiu, posibleng gumuho ang mall dahil sa paghina ng istruktura nito matapos lamunin ng apoy na tumagal ng 24 na oras bago naapula. Nagkaroon aniya ng matinding pinsala (totally damaged) ang gusali maliban sa ground floor.
Samantala, patuloy na inaalam ng BFP ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog. (Eagle News Service)