Paghuhukay ng tunnel sa Philcoa-Elliptical Road sa QC para sa MRT-7, sisimulan na ng DPWH

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Sisimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Huwebes, Marso 29, ang paghuhukay ng tunnel sa Philcoa area patungo sa Elliptical Road sa Quezon City para sa ginagawang MRT-7.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, nakipag-ugnayan na ang contractor para sa nasabing proyekto at napagkasunduan na hindi maaaring magdulot ng obstruction ang mga sasakyan na gagawa dahil maaari silang hulihin at pagmultahin.

Pinatitiyak din sa kumpanya ang paglalatag ng mga warning device at signage tulad ng separator o barrier sa gitna ng Elliptical Road mula kanto ng Maharlika hanggang Commonwealth Avenue.

Pinapayuhan ang mga motoristang manggagaling ng Quezon Avenue, East Avenue at Kalayaan at mga kakanan patungong-Commonwealth na kailangang pumasok sa separator.

At ang manggagaling naman ng Maharlika ay obligado nang dumaan patungong Commonwealth dahil may harang na paglabas.

Tig-dadalawang inner lanes naman sa magkabilang panig ng Commonwealth ang kakainin ng proyekto kaya magiging limang lanes na lang ang magagamit mula sa dating pitong lanes.

Magtatalaga naman ang MMDA at Quezon City government ng mga tauhan upang mag-assist ng traffic.
Inaasahang magtatagal naman ang pagsasaayos nito hanggang Agosto ng taong kasalukuyan.Gerald Rañez

Related Post

This website uses cookies.