Pagbaha kasalukuyang nararanasan sa bayan ng Sigma, Capiz

SIGMA, Capiz (Eagle News) – Bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan ay umabot sa 40 na kabahayan ang naapektuhan ng pagbaha. Ito ay batay sa naitala ng Capiz Provincial Risk Reduction and Management Office. Ang mga apektadong kabahayan na naitala ay sa Brgy. Cogon, Sigma, Capiz.

Wala namang naiulat na inilikas na mga pamilya. Subalit may mga bahagi ng daan sa apat na barangay ng nabanggit na bayan na hindi madaanan dahil sa mga pagbaha. Maliban sa kabahayan, malawak din na bahagi ng palayan ang natabunan ng tubig dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Neal Flores – EBC Correspondent, Capiz

Related Post

This website uses cookies.