(Eagle News) — Tutol ang National Food Authority (NFA) sa Region 1 sa isinusulong na Rice Tarrification Bill na pumasa na sa Bicameral conference committee kamakailan.
Ayon kay NFA Region 1 Director Jaime Hadlocon, hindi sila payag na mabawasan ang trabaho o responsibilidad ng kagawaran sa ilalim ng nasabing batas.
Dapat aniyang malaman ng mga mambabatas na kailangang-kailangan ng mga magsasaka ang NFA para sa kanilang karapatan.
“Ang ating mga mamamayang Filipino ay niloloko ang mga magsasaka. Kaya sana ay hindi mabawasan ang mga tungkulin o karapatan ng NFA para sa mga magsasaka,” ayon kay Hadlocon.
Samantala, hindi pa naman masabi ni Director Hadlocon kung magkano ang itataas sa presyo ng mga NFA rice.
Kasunod ito ng naging pahayag ni NFA Administrator in-charge Tomas Escarez na plano nilang ibenta sa mas mataas na presyo ang NFA rice. Mula sa 27 piso ay magiging 33 t0 35 piso kada kilo na ito.
Ito ay upang masolusyunan umano ang kakulangan sa suplay nito.