P12 minimum na pamasahe sa jeep, inihihirit ng transport groups

(Eagle NewS) — Inihihirit ng transport groups na itaas sa dose pesos (Php 12.00) mula sa kasalukuyang siyam na piso (Php 9.00) ang minimum na pamasahe sa mga jeep.

Ayon kay Pasang Masda President Robert Martin, ito ay kasunod ng pitong linggo na sunod-sunod na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo.

Bunga nito, maghahain sila ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong araw upang hilingin ang nasabing fare increase.

Handa naman silang magpatupad ng fare reduction kung bababa ang presyo ng diesel.

Related Post

This website uses cookies.