P1.5 milyong halaga ng shabu, mga baril nasabat sa Bulacan

Tatlong katao arestado

Ang tatlong katao na inaresto ng mga otoridad nang makuha diumano sa kanilang sinasakyan ang shabu na nagkakahalagang P1.5 milyon at ilang mga baril./Doña Remedios Trinidad, Bulacan police/

(Eagle News) — Arestado ang tatlong katao matapos mahulihan ng tinatayang P1.5 milyong halaga ng shabu at mga baril sa isang Commission on Elections checkpoint sa Bulacan Miyerkules ng gabi.

Ayon sa pulisya, inaresto sina Joselito Isidro, Jerome Jay Nino at Florinda Alipio matapos makita sa kanilang sport utility vehicle ang isang 9 mm. na pistol, isang submachine gun at anim na pakete ng shabu na may timbang na 210 na gramo

Unang nakita diumano ng mga otoridad ang submachine gun sa driver’s seat ng sasakyan nang dumaan ito sa checkpoint na binabantayan ng mga miyembro ng pulisya ng Bulacan at ng 48th Infantry Batallion ng Philippine Army sa Barangay Pulong Sampaloc sa Dona Remedios.

Nang hingan ang driver ng lisensya ay wala diumano itong maibigay sa mga otoridad.

Ayon kay Senior Insp. Isabelo Mondejar, hepe ng Doña Remedios Trinidad police, posibleng may gagawing transaksyon ang mga suspek.

Mahaharap aniya sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at sa Omnibus Election Code.

Mahaharap din aniya sila sa kaso dahil sa illegal possession of firearms. Earlo Bringas

Related Post

This website uses cookies.