Outgoing South Korean envoy, ginawaran ni Pangulong Duterte ng Order of Sikatuna

MANILA, Philippines (Eagle News) — Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Sikatuna si outgoing South Korean Ambassador Kim Jae-Shin sa Malacañang nitong Lunes, Enero 8.

Ipinagkaloob kay Ambassador Kim ang Order of Sikatuna para sa kanyang mahalagang papel na mapa-lakas ang relasyon ng Pilipinas at South Korea.

Pinuri rin ang Ambassador sa kanyang pagsisikap na mapaglapit ang mga Pilipino at South Korean.

Babalik na si Ambassador Kim sa South Korea matapos ng kanyang panunungkulan sa bansa ng halos tatlong taon.

Related Post

This website uses cookies.