Oil price rollback, epektibo na ngayong araw

MANILA, Philippines (Eagle News) – Epektibo na ngayong Martes, Pebrero 13, ang kauna-unahang rollback  sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong 2018.

Ito ay matapos ang pitong linggong sunud-sunod na pagtataas ng presyo nito.

Simula alas-6:00 ng umaga, epektibo na ang pisong rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina ng Jetti, Uni-oil, Petron, PTT, Seaoil, Phoenix, Eastern at Shell. Nagkaltas naman ng P1.30 ang mga nasabing kumpanya sa kada litro ng kanilang diesel.

Samantala, nagbaba din ng P0.85 centavos ang Seaoil, Petron, at Shell sa kada litro ng kanilang kerosene.

Gayundin ang ibinaba sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene ng Flying V na mas naunang nagpatupad, alas-12:00 pa ng hatinggabi.

Related Post

This website uses cookies.