NGCP transmission lines na naapektuhan ng bagyong “Maring,” balik na sa normal na operasyon

(Eagle News) — Balik na sa normal na operasyon ang lahat ng transmission lines at pasilidad na naapektuhan ng tropical depression “Maring,” ito ay ayon sa ulat ng National Grid Corporation (NGCP).

Kabilang sa mga transmission line na nakumpuni at dinadaluyan na muli ng kuryente ay ang Batangas-Bolboc line at Gumaca – Lopez -Tagkawayan line sa CALABARZON.

Ayon pa sa NGCP, balik normal na rin  ang Olongapo-Cawag line  ng Zambales Electric Cooperative 2.

Related Post

This website uses cookies.