NGCP, nagtaas ng yellow alert ngayong araw

(Eagle News) — Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Luzon grid dahil sa manipis na reserba sa suplay ng kuryente.

Sa advisory ng NGCP sa kanilang offical Facebook page, nasa yellow alert ang Luzon grid 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Ayon naman sa Meralco, itinaas ang yellow alert dahil sa power outages ng ilang planta.

Kabilang ang Sual 1, Quezon Power (Philippines), Pagbilao 2, Malaya 1, at Limay 6.

Ang yellow alert ay nangangahulugang ang suplay ng kuryente ay mas mababa sa kapasidad ng malalaking planta sa bansa.

Samantala, hinikayat naman ng Meralco ang mga consumer na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Related Post

This website uses cookies.