News in Photos: Naging pagdalaw ni Pangulong Duterte sa kaniyang apo na si Stonefish

DAVAO CITY (Eagle News) – Dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang anak at sa bagong apo na tinawag na “Stonefish” kagabi, Marso 2 sa Davao Doctors Hospital. Ang ibig sabihin ng stonefish sa Cebuano ay “Isda sa Bato” subalit ang tunay na pangalan ng sanggol ay Marko Digong Duterte Carpio. Pangatlong anak na ito ni Mayor Inday Sara Duterte-Carpio at Atty. Manases Carpio.

Kitang-kita naman ang kasiyahan ni Pangulong Duterte sa pagkakaroon nito ng bagong apo. Lalo na at malusog ito maging ang ina nitong si Mayor Inday Sara Duterte. Nagpa-abot naman ng pagbati ang maraming Davawenyo sa alkalde. Ikinatuwa rin nila ang pagsilang sa bagong apo ng Pangulo ng Bansa.

Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City

Photo courtesy: Christopher Bong Go

 

Related Post

This website uses cookies.