NEMC, binuksan na ng AFP

AFP Public Affairs Office deputy chief Captain Celeste Frank Sayson

(Eagle News) — Binuksan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang National Election Monitoring Center (NEMC) anim na araw bago ang halalan.

Sa naturang pasilidad umano isasagawa ng AFP ang monitoring sa election-related incidents na maaaring maganap sa gitna ng ginagawang preparasyon mula sa delivery ng vote counting machines (VCM’s), sa sitwasyon sa mismong araw ng halalan, at hangang sa isasagawang canvassing.

Ayon kay AFP Public Affairs Office deputy chief Captain Celeste Frank Sayson, bilang isa sa mga deputized agency ng Commision on Election (Comelec), bahagi aniya ng kanilang trabaho na tiyakin ang pagdaraos ng ligtas at patas na halalan.

 

National Election Monitoring Center (NEMC)

 

Kaugnay nito, 24 oras aniya nilang babantayan ang sitwasyon sa buong bansa partikular na sa siyam na probinsyang kasama sa election hotspots habang sinabi rin nitong konektado ang nabanggit na pasilidad sa lahat ng unified commands ng ahensya para sa mas mabilis na pag-uulat ng mga insidente.Kasabay nito, sinimulan na rin ng Philippine National Police (PNP) ang training ng nasa 233 na mga pulis na eksperto sa information technology mula sa iba’t ibang lalawigan at probinsya para sa transmission ng mga mahahalagang impormasyon ukol sa mga insidenteng magaganap sa kani-kanilang lugar.

Partikular na pinag-aaralan ng mga ito ang web mapping at QGIS (Quantum geographical information system) na gagamitin ng PNP sa national election monitoring sa araw ng halalan.

Related Post

This website uses cookies.