Negrense, Top 5 sa Criminologist Licensure Exam

NEGROS OCCIDENTAL – May bago namang ipinagmamalaki ngayon ang Negros Island Region matapos makamit ng isang Negrense ang isa sa pinakamatataas na ratings sa October 2016 Criminologist Licensure Examination.
Nasungkit ni Shenai Juance, 20-anyos, magna cum laude ng La Carlota City Community College at taga-Barangay Gargato, bayan ng Hinigaran, ang ikalimang pwesto sa naturang eksaminasyon sa rating na 89.70.
Nagpasalamat naman si Juance sa kaniyang pamilya, mga kaibigan, at mga guro, at higit sa lahat sa Diyos dahil sa kaniyang tagumpay.
Samantala, ayon sa Professional Regulation Commission o PRC, 10, 901 ang nakapasa sa 34,768 na kumuha ng exam.

Related Post

This website uses cookies.