NDFP, handang magdeklara ng local ceasefire sa Lanao del Sur – Peace Consultant

MARAWI CITY, Lanao del Sur (Eagle news) – Nakahanda umanong magdeklara ng local ceasefire ang grupong National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa bahagi ng Marawi City at Lanao del Sur upang makatulong sa pamahalaan sa paglaban sa terorismo at Maute Group.

Sinabi ni NDFP Peace Consultant Felix Randy Malayao, isa sa mga responsibilidad ng kanilang grupo ang maprotektahan ang mga mamamayan.

Ayon pa kay Malayao, maaari aniyang makipagtulungan sa tropa ng pamahalaan ang grupong Moro Resistance and Liberation Organization (MRLO) na miyembro rin ng NDFP na nasa loob mismo ng Marawi City.

Related Post

This website uses cookies.