NCRPO, naka-full alert status na rin kasunod ng nangyaring twin blasts sa Jolo, Sulu

(Eagle News) — Naka-full alert status ngayon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) kasunod ng naganap na twin explosions sa isang simbahan na kumitil sa buhay ng dalawampung katao sa Jolo, Sulu.

Kaakibat ng full alert status ang pina-igting na checkpoints, pagpapatrolya, koordinasyon sa military, at intelligence gathering sa ahensya.

Ayon kay NCRPO Police Chief Director Guillermo Eleazar, binigyan rin ng direktiba ang mga pulis na mag- kansela ng work leave.

Matatandaang hindi bumoto pabor ang Sulu sa bagong tatag na Bangsamoro Organic Law pero magiging bahagi pa rin ng rehiyon dahil pinaburan ito ng kasalukuyang Autonomous Region sa kabuuan.

Related Post

This website uses cookies.