National Awards ipinagkaloob sa Bislig City, Surigao del Sur

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Masayang ibinalita ni Mayor Librado Navarro sa mga Bisliganon ang natanggap na National Award ng Bislig City, Surigao del Sur.

Isa ang Bislig City sa 306 na Local Government Unit na pinarangalan ng Seal of Good Local Governance sa isinagawang Philippine Local Governance Congress sa Sofitel Hotel, Manila.

Ang nasabing National Award ay kinapalooban ng mga sumusunod sa kategorya:

  • Good Financial Management
  • Social Protection, Disaster Preparedness
  • Peace and Order Environmental Management
  • Business Friendly City

Ang natanggap na national award ng Bislig City ay bunga ng pakikipagtulungan ng lahat na lokal na ahensya ng nasabing bayan. Patuloy na nagpasalamat ang alkalde ng Bislig City sa kaniyang mga kababayan. Hinikayat pa niya ang mga ito na patuloy na suportahan ang kaniyang mga proyekto na may malaking pakinabang para sa Bisliganon.

(Issay Daylisan – Bislig City, Surigao del Sur)

Related Post

This website uses cookies.