Nasa 8,000 driver’s license, naipamahagi na ng LTO Camarines Norte; backlog mataas pa rin

Kuha ni Orlando Encinares/Eagle News/

DAET, Camarines Norte (Eagle News) – Mataas pa rin ang backlog ng mga hindi pa kumukuha ng drivers license na 5-year validity sa Land Transportation Office-Camarines Norte.

Nasa 8,000 mula sa 20,000 pa lamang ang nakakakuha nito ayon kay LTO-Camarines Norte chief Nenita Llaban.

Tuloy-tuloy naman anila ang pag-iimprenta ng naturang lisensiya sa kanilang tanggapan.

Patuloy naman sa pagsasagawa ng alternatibong paraan ang ahensya upang masolusyunan ang naturang suliranin. Orlando Encinares

Related Post

This website uses cookies.