Nasa 80 baby sea turtles, pinakawalan sa baybayin ng Mariveles, Bataan

MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Nasa 80 pirasong batang pawikan ang pinakawalan ng mga lifeguard ng Camaya Coast Beach Hotel sa Mariveles, Bataan.

Ayon kay Mark Anthony Daruca, lifeguard team leader ng Camaya Coast, habang binabantayan nila ang mga turistang naliligo sa baybaying dagat na sakop ng Camaya Coast ay natatagpuan nila ang mga itlog ng pawikan.

Inililipat nila ang mga ito sa ginawa nilang hatchery.

Dito na nila pinakawalan ang mga ito.

Sa kasalukuyan ay mayroon pa silang inaalagaan na mga itlog ng pawikan at inasahan na sa buwan ng Enero at Pebrero sa susunod na taon ay may pakakawalan na naman silang mga batang pawikan.

 

 Eagle News Correspondents Larry Biscocho, Antonio Garcia

 

Related Post

This website uses cookies.