By Earlo Bringas
Eagle News Service
SAN JUAN CITY, Quezon City (Eagle News) — Nasunog ang nasa higit labinlimang kabahayan sa F . Manalo Street Barangay Kabayanan sa San Juan City, pasado alas nuebe kagabi.
Umabot sa 4th alarm ang sunog, kung saan mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials halos lahat ng kabahayan.
Tinatayang aabot sa higit 900 thousand pesos ang naging halaga ng nasunog sa lugar.
Higit tatlumpung pamilya ang naapektuhan sa nasabing sunog.
Sa intial na imbestigasyon ng City Fire Marshall nagsimula ang sunog sa isang bahay ni Marilyn Reyes (reisdente sa lugar) at hinihinalang napabayaang niluluto ang pinagmulan ng sunog.
Sugatan ang tatlong katao sa nangyaring sunog kabilang na ang may ari ng bahay na si Marilyn Reyes kung saan nagmula ang sunog, agad namang naisugod sa ospital ang mga sugatan na kinilalang sina Edmundo Macoco at Ricardo Perez.
Nahirapan umano ang mga bumbero dahil sa kitid at sikip ng kalsada sa lugar, tumulong na din ang mga bumbero mula pa sa mga karatig lugar.
Dineklarang fire out ang sunog bandang 11:30 ng gabi.
Kasalukuyan namang nanunuluyan muna ang mga apektadong pamilya sa mga itinalagang evacuation centers sa lugar.