Mt. Pulag, dinarayo pa rin sa kabila ng nangyaring sunog

KABAYAN, Benguet (Eagle News) – Marami pa ring mga turista ang umaakyat sa tanyag na Mt. Pulag sa Kabayan, Benguet.

Ito ay sa kabila ng pagkakasunog ng 5.7 kilometers na bahagi ng bundok noong nakaraang linggo.

Ayon kay Mt. Pulag Parks Management Superintendent Teber Dionisio, maraming mga turista ang nagpareserba para sa trekking at hiking activities doon.

Tiniyak nito na magiging alerto ang kaniyang opisina para hindi makapunta ang mga turista sa nasunog na bahagi ng Mt. Pulag.

Sinabi ni Dionisio na ipinapaliwanag nila na delikado ang nasunog na bahagi ng bundok dahil maaari itong gumuho.

 

Related Post

This website uses cookies.