MRT-3, muling nagkaaberya kaninang umaga

(Eagle News) –  Muling nakaranas ng aberya ang Metro Rail Transit o MRT-3 nitong umaga ng Lunes, October 2.

Sa kanilang twitter account, sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na naranasan ang nasabing aberya sa Cubao Station bandang 6:37 ng umaga.

Inilagay ito sa Category-3.

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa nasabing aberya.

Sa ngayon ay may 18 bagon ang gumagana sa MRT-3.

 

Related Post

This website uses cookies.