Mountain Resort sa Davao Oriental sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng NPA

TARRAGONA, Davao Oriental (Eagle News) – Sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang Addams Haven Mountain Resort hapon ng Huwebes, Mayo 31.

Ang nasabing resort ay pagmamay-ari ni  Ariel Mosquera ng Mati City Planning Development.

Ayon sa imbestigasyon, mahigit kumulang Php600,000 ang danyos ng mga nasunog tulad ng multi-cab, generator set at electric steel cutter.

Ayon sa report, bago sinunog ang resort ay hiningan ng pera ang may-ari batay sa natanggap nitong extortion letter. Nang hindi magbigay ang may-ari ay inatake ng grupo ang resort.

Ang Addams Haven Resort ang isa sa paboritong destinasyon sa Davao Oriental.

Mayroon itong pure water mula sa bundok. Bukod dito ay ma-e-experience din ang fogs sapagkat napaliligiran ito ng maraming punong kahoy kaya nawiwili ang lahat na pumunta at bumalik dito. Dan Ruiz

Related Post

This website uses cookies.