Motorcade para sa gagawing Dakilang Pamamahayag nilahukan ng maraming kaanib sa Iglesia ni Cristo sa Paco, MMW

PACO, Maynila (Eagle News) —  Nilahukan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Paco, Maynila ang isinagawang malaking motorcade kahapon, October 9, sa iba’t-ibang kalsada sa nasabing lungsod bilang paghahanda sa isasagawang Pamamahayag sa ika 6 ng hapon (6:00pm) ngayong araw, Oktubre 10 na gaganapin sa San Andres Complex, Manila.

Sa pangunguna ng SCAN at Manila Traffic Bureau ay naging maluwag ang mga kalsada at hindi nagdulot ng anumang matinding trapiko sa mga daanan sa kabila ng napakaraming sasakyan ng mga kaanib na ginamit sa nasabing aktibidad, at ito nagdulot ng kasiyahan sa mga tao dahil sa makulay na motorcade.

(Photos courtesy of Brother Mark Jayson Juan Valdez, Metro Manila West)

Related Post

This website uses cookies.