Sidewalk clearing operation isinagawa sa NIA Agham roads

QUEZON CITY, Metro Manila (Eagle News) – Nagsagawa ng sidewalk clearing operation ang MMDA, Public Order and Safety (POS) ng Quezon City at PNP Highway Patrol sa NIA Agham roads noong Miyerkules, March 15. Ito ay isang programa na naglalayong linisin ang mga illegal parking na dahilan ng pagdaloy ng traffic at pagsisikip ng daan.

Sa pinagsamang puwersa ng mga nasabing ahensiya ay sama-sama nilang inalis at nilinis ang mga sasakyan, jeepney, tricycle at motorsiklo na nakaparada sa daanan at kalsada.

Christian Agsalud – EBC Correspondent, Quezon City

Related Post

This website uses cookies.