Miyembro ng PNP sa Cotabato, huli sa Davao ng pagbebenta ng illegal na droga

DAVAO City (Eagle News). Nahuli sa Davao City ang isang miyembro ng (PNP-BPAT) or Philippine National Police – Barangay Peacekeeping and Action Team na si Romel Naranjo Descalar, isang residente ng Kabacan sa North Cotabato.

Nahuli ang suspek matapos magbenta ng shabu sa Davao City sa isinagawang drug buy-bust operation na pinangunahan ng Sta. Ana Police Station sa pamumuno ni Police Chief Inspector Hamlet Lerios. Ang operasyon ay nangyari sa loob ng Vaughn’s Kitchen na isang kainan sa J.P. Laurel, Bajada, Lungsod ng Davao. Nakunan ang suspek ng maraming pakete na pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng halos P70,000.00

Ayon sa pulisya, malakas umano ang loob nitong magbenta ng shabu dahil miyembro siya ng PNP sa pag-aakalang hindi ito mahuhuli. Ngunit wala pa rin itong lusot lalo na at sa Davao pa ito gumawa ng ganitong paglabag.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Sta. Ana Police Station na kung saan nakaharap ito sa kasong paglabag sa R.A.9165.

Courtesy: Haydee Jipolan – Davao City Correspondent

Related Post

This website uses cookies.