Mister ng konsehal sa Davao City, sugatan sa pagbagsak ng chopper

DAVAO CITY (Eagle News) – Sugatan ang asawa ni Davao City Councilor Mabel Sunga-Acosta sa pagbagsak ng sinasakyan nitong helicopter sa South Cotabato nitong Lunes, ika-14 ng Mayo.

Sakay ng nasabing helicopter si Capt. Reynaldo Acosta nang bumagsak ito sa bahagi ng Brgy. Basag, T’boli.

Si Capt. Acosta ang piloto ng helicopter at wala itong ibang kasama.

Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Polomolok, ang helicopter ay pag-aari ng Vibrant Helicopters Agricultural Spray Corporation.

Patungo si Acosta sa Brgy. Kling sa Kiamba para magsagawa ng aerial spraying sa Lapanday Banana Plantation nang bumagsak ang helicopter.

 

Related Post

This website uses cookies.