Mga sasakyang dagat, di na pinayagang maglakbay sa Tabaco pier

TABACO City, Albay ( Eagle News) – Nagsimula nang mapuno ng mga pasaherong papuntang Catanduanes sa Tabaco pier sa Albay.  Ito ay dahil sa hindi na pinahintulutang maglayag ang mga sasakyang pandagat sa Tabaco City dahil sa paparating na bagyong Nina. Patuloy na rin ang pagbuhos ng ulan dito sa Albay.  At makulimlim na ang kapaligiran.  Halos nasa 200 ang stranded na pasahero.  (Dennis Jardin, Eagle News Service correspondent)

This website uses cookies.