Mga negosyanteng mananamantala sa mga lugar na sinalanta ng ‘Urduja,’ kakasuhan – DTI

MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga negosyante sa eastern Visayas na huwag mananamantala sa mga residente ng lugar na sinalanta ng bagyong Urduja.

Sinabi ni Trade Undersecretary Ted Pascua na kakasuhan ng economic sabotage ang sinumang mapapatunayan na mangho-hoard ng supply ng mga pangunahing bilihin.

Dagdag rin ng opisyal na bawal din ang profiteering sa mga consumer.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Pascua sa mga consumer na huwag nang magmadali sa pagbili dahil sapat naman umano ang suplay ng mga pangunahing bilihin.

Related Post

This website uses cookies.