Mga mag-aaral ng MSU-Marawi kailangang isailalim sa stress debriefing

(Eagle News) – Nasa maayos nang kalagayan ang tinatayang 600 na mga mag-aaral ng Mindanao State University matapos ma-trap ang mga ito sa loob ng pamantasan sa kasagsagan ng bakbakan ng militar at ng Maute terrorist group sa Marawi City.

Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, nakauwi ang mga mag-aaral makaraang matiyak na wala na sa paligid ng unibersidad ang mga bandido.

Gayunman, kinakailangang aniyang sumailalim sa stress debriefing ang ilan sa mga ito dahil sa matinding trauma.

Related Post

This website uses cookies.