Mga lalahok sa New Year’s Countdown sa PH Arena, excited na sa fireworks display

(Eagle News) — Excited na ang mga lalahok sa 2019 Philippine Arena Countdown para sa pagsalubong sa bagong taon dito sa Ciudad De Victoria sa Bocaue, Bulacan.

Mamayang alas-dose ng gabi (12:00 AM) ay sabay-sabay na sasalubungin ng mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo ang pagpasok ng taong 2019.

Ang ganitong aktibidad ng Iglesia Ni Cristo sa Philippine Arena na pinagtibay ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang kapatid na Eduardo V. Manalo ay ipinagpapasalamat ng mga kapatid dahil nagkakaroon sila ng pagkakataong magsama-sama sa masaya at makabuluhang okasyon.

Ang pinaka-highlight at inaabangan ng lahat ay ang fireworks display na talaga namang kakaiba sa lahat dahil bukod sa makukulay at iba’t ibang klase ng fireworks ay taglay nito ang signature na tri-colors ng Iglesia Ni Cristo.

Handang-handa na rin ang Philippine Arena para sa 2019 New Year’s Countdown mamayang hatinggabi.

Maaga pa lang ay sinimulan na ang pagsi-set-up sa stage at maging ang paglalagay ng sound system para sa countdown concert na isa rin sa inaabangan ng mga bisita.

Naglagay na rin ng mga malalaking led wall kung saan mapapanuod ang nangyayari sa stage. Naka-ayos na rin ang mga upuan pati ang barriers para matiyak na magiging maayos ang lahat para sa countdown concert mamaya.

Malalaking pangalan sa entertainment at music industry ang magpi-perform mamaya sa countdown concert.

Kabilang sa mga performers sina Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesman, Dulce, Nonoy Zuniga, mag-asawang Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado kasama sina Rannie Raymundo, Renz Verano, Lito Camo, Darius Razon, Elizabeth Ramsee at marami pang iba.

At syempre ang aktibidad ay hosted by Ruru Madrid at Barbie Forteza na kinakikiligan at hinahangaan ng mga kabataan o ang tinaguriang millennial.

Hindi naman magpapahuli ang pulisya sa Region 3 especially ang Bocaue-PNP.

Ayon kay Police Inspector Enrico Tamayo, Deputy chief of Police for operations ng Bocaue-PNP, maaga pa lang ay naglatag na sila ng security measures sa lugar.

Idineploy na rin ang kanilang mga tauhan sa iba’t ibang lugar sa Philippine Arena partikular sa tent city, stadium, bazaar, garden amusement rides at housing area para sa seguridad ng mga tao at kaayusan sa lugar.

Related Post

This website uses cookies.